Wednesday, September 18, 2013

Coco Beach



This is the GC I won from an event almost a year ago. Kung kilala mo ako, alam mo na naniniwala ako na "The best things in life are libre."Kaya naman bago pa abutan ng expiration date, gomora na kami sa Coco Beach nung Sept. 14. It was an overnight stay with De Luxe accommodation for two and FREE breakfast (gaya ng nakasaad sa GC).
Salamat sa masagana at masarap na agahan.Bilang paborito ko ang tinapay, tinikman ko lahat. Da best ang Pan De Coco nila.Samahan pa ng kape. WINNER!
This is the room. "Nature-neychuran" Ng peg.Walang aircon. Maaliwas. It has two beds. They provide soap made from coconut.Walang shampoo,toothpaste,at toothbrush (unlike sa experience ko sa Lighthouse Marina.I-compare ba?) May towel naman.May shower pero walang heater. Sagana sa tissue.Malinis ang bathroom, yun ang pinakamahalaga.May vault pa para sa mahahalagang bagay na kailangan mong itago (as if may dalang milyones? Hehe! Kidding aside, you can put your celphone,camera, or extra money sa vault for safety lang.)
May bell sa labas ng balkonahe na hihilahin mo lang just in case may kailangan ka. Around 6PM, pinaayos na namin ang aming higaan.Lakas maka-prinsesa ng puting kulambo.Pinasara na namin ang bintana at bago umalis yung tagaayos, nag-spray sila so sa labas muna kami nag-stay.

Ang balkonahe. Nakakarelaks sa duyan. Dinig mo ang hampas ng alon sa dalampasigan.Peyborit ko yung bato-bato (kung saan ako nakasandal). Pakiramdam ko nasa Batanes ako.
*****
Speaking of Batanes, yan ang dream destination ko. Gusto kong nagta-travel dahil nagkakaroon ka ng time makpagmuni-muni. At dahil dyan, narito ang ilang "emo pics":


Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
-Ricky Lee (Para kay B)



May isinulat akong pangalan sa buhangin. Sana lang kung paanong binubura ng alon ang pangalang iyon, ganundin ang pagkabura n'ya sa puso't isipan ko.