Wednesday, January 21, 2015

Masasa Beach Outreach

Ikaapat na beses nang tumapak ang aking mga paa sa Masasa Beach. Ang una'y tamang gala lang at ang ikalawa, ikatlo, at ikaapat na beses ay para mag-research para isang TV project.
Napag-alaman naming sa tagong dako ng Batangas ay may naninirahang mag-asawang Tausug at Badjao. Kaya naman nagpunta ang WAGAS Team para gumawa ng pananaliksik tungkol sa kuwento ng kanilang pag-ibig. Doon ay nakapanayam namin sina kuya Rambo at ate Mira.

Tatlong beses din kaming nagpabalik-balik upang mabuo ang kuwento.
Nang halos buo na ang kuwento, alam kong matagal pa uli bago ako makabalik sa lugar na ito kaya naisipan kong mag-outreach kahit paano bilang pasasalamat na rin sa pagkakaroon ng magandang material para sa proyekto...and romantic that I am--kaakit-akit na sunset.Sa ikatlong beses nang pagpunta namin doon ay nagdala ako ng ilang libro para sa mga batang naroon.

Inutusan ko si Maira, bunsong anak ng mag-asawang Badjao at Tausug na aming ininterbyu, para tawagin ang mga bata para makinig ng storytelling. Sinabi sa akin ni Maira na ayaw ng mga magulang ng mga bata doon na pasamahin ang kanilang mga anak kay Maira. Tinanong ko kung bakit. Sinabi ni Maira na dahil siya ay isang Muslim. Sinabi ko sa kanya na subukan uling tawagin ang mga bata at sabihin n'yang magkukuwento ako at bibigyan ko sila ng mga aklat. Sinabi ko rin na kung hindi talaga papayag ang mga magulang ay sasamahan ko na lang s'ya.Makalipas ang ilang minuto, kasama na ni Maira ang mga bata.

Umaambon noong mga sandaling yun kaya kailangan naming sumilong sa gilid ng kubo. Natutuwa ako sa positibong response ng mga bata sa kuwento. Magaling silang sumagot at magalang din sila.Bilang isa rin akong guro, natuwa ang aking puso.

Ang kuwento ni "Pilong Patago-tago".
Isisigaw nila ang "BULAGA!" pag-ikot ko.
 

 
I also read to them Bee Healthy, a book by Joyce Piap-Go about taking care of our body.
The children participated actively in sharing their personal experiences.

 
 Pamimigay ng aklat at lapis.

 
Buma-background ang magandang dagat

Pichur with ate Mars 
 
Salamat sa Lampara House para sa mga aklat.
"A book is a dream that you hold in your hand." –Neil Gaiman

 Jumpshot with ate Relyn :)

 "There are many little ways to enlarge your child’s world.

Love of books is the best of all."

–Jacqueline Kennedy Onassis

Merienda time with Jawahim sisters
(Ngayon lang daw sila nakatikim ng macaroni salad)

Salamat sa shades na bigay ni ate Relyn.
 
Salamat sa mga pan-display na Santa Claus, sir Vim Nadera! :)
 
Kasama ang pamilyang Jawahim

Happy ang pakiramdam na makasama ang dalawa sa pinakamagagaling na batang direktor.
Ang mag-asawang Mira at Rambo na ginampanan nina Glaiza De Castro at Jerald "Tolits" Napoles
#WAGAS

Unang panayam sa Pamilyang Jawahim

 
are the times when I've seen, like, a sunset."