Friday, March 11, 2016

Mabining Mandirigma

STEAMPUNK MUSICAL. Bago sa pandinig ko. Nakakaaliw. Nakakatuwa. Nakakaiyak. NAKAKABILIB!ASTIG!

Pasasalamat sa pagkakataong mapanood ito kasama ang aking mga co-teachers at ilang piling mag-aaral. Nawa'y marami pang mga guro ang makanood. Gawing platform ang teatro para sa pagkatuto.

Quotable quotes:
*Masipag at marunong ka. Kaya mong iahon ang iyong sarili. Nasa iyong mga kamay ang iyong kinabukasan.

*Ang taong mapagtanong ay ikinukulong.Mapait na sumpa ang maging marunong.

* Patawad, ina.Di magagawang sikilin ang sarili't magbulag-bulagan.

*Aking ikamamatay kung di matitighaw ang matinding pagkauhaw sa laya't karunungan.

*Batang nawalan ng kamay,magkakaroon ng pakpak.Ang mga naulila,magkakaroon ng anghel.
Lahat ng bagay ay may dahilan.

*Tuyot na ang iyong mga paa kaya yayabong ang iyong isipan, titibay ang iyong kalooban, mamumukadkad ang iyong kadakilaan.


*Pangalagaan mong huwag madungisan ang iyong dangal.Ang dangal ang ubod ng iyong pagkatao.

*Lahat ng tulong ko sa gobyerno ay boluntaryo.

*Di ko kailangan ng suweldo para magawa ang gusto ko at pinanininiwalaan ko.

*Nasa pagmamalasakit ang tagumpay.

*Nasa pagkakaisa ang ating paglaya.Mahirap bang mag-isip bilang Pilipino?

*Mahirap mapantayan ang integridad ni Mabini kaya konti lang ang kanyang inapo--mga senador na makabayan, mga empleyadong laban sa katiwalian...

*Ang gobyerno natin ay sa taumbayan.

*Isa lang ang Katipunan at 'yun ay ang Pilipinas

*PAUNLARIN MO ANG BAYAN MO AT KASAMA KANG UUNLAD.


Salamat po, Tata Nanding Josef, Mam Carmela Millado Manuel, at Direk Chris Millado. Mabuhay ang Tanghalang Pilipino!


Pagbati sa mga bumubuo ng produksyon. NATATANGI at WORLD-CLASS!
More than a SUPERB production, it's an eye opener. 
MAHALIN ANG BAYAN NANG HIGIT SA IYONG SARILI.

P.S. I both watched the 3PM (matinee) show and the 8PM (gala) show where David Ezra and Arman Ferrer played Emilio Aguinaldo, respectively.



Ms. Liesl Batucan played the title role in "Mabining Mandirigma". 
Having a great talent in acting, dancing, and singing, get ready to get WOWed by her performance.
She did put up a very good job!Congratulations! 


David Ezra bilang Emilio Aguinaldo, Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
Pagbati sa iyong napakahusay na pagganap!
(FYI: Anak siya ng tanyag na mang-aawit na si Dulce. No wonder. Kanino pa ba magmamana?)


Si Antonio Fernandez Ferrer o Arman Ferrer naman ang gumanap na Aguinaldo sa gala (8PM) show.
Mangingilabot ka sa kanyang makapangyangyarihang tenor na boses.

Ang mga gumanap na Ilustrados. Nakakaaliw ang kanilang performance!

Hindi pahuhuli ang mga kabababihan ng Tanghalang Pilipino Napakahuhusay din!

Ang mga dagdag na karakter na napakahuhusay ding umawit at gumiling!


Kasama ang direktor ng Mbining Mandirigma na si Chris Millado




Kasama ang Artistic Director ng Tanghalang Pilipino at Executive Producer ng Mabining Mandirigma na si Tata Nanding Josef.





"Masipag at marunong ka. Kaya mong iahon ang iyong sarili. Nasa iyong mga kamay ang iyong kinabukasan."
Kaming mga guro mula sa pampublikong paaralan sa Las Pinas ay nagbibigay-pugay sa napakagandang produksyon ng‪#‎MabiningMandirigma‬.Kaisa kami saadbokasiya at adhikain ng Tanghalang Pilipino na gamitin ang teatro bilang lugar ng pagkatuto.
Ang aming mga natutuhan mula sa inyong palabas ay ibabahagi rin namin sa aming mga mag-aaral.



DepEd Secretary Bro. Armin Luistro:
"Maganda ang kwento ni Mabini pero mas maganda ang kanyang hamon para sa Pilipino ngayon. Sana yung boto na ating gagawin sa susunod na ilang buwan ay boto para sa bayan at hindi para sa sarili, para sa Pilipinas at hindi para sa bulsa."
https://www.facebook.com/tanghalangpilipino/videos/vb.305622389604147/604392543060462/?type=3&theater


Pasasalamat kay Madam Carmela Millado Manuel (Company Manager ng TP) at sa Office of the Mayor ng Las Pinas para sa ticket ng aking mga estudyante.