Monday, April 29, 2013

Mt.Marami SUPER Adventure

M.A.F.I.A. (Mars and Friends in Action) with Sabit-sabit Mountaineers

Maraming salamat po sa lahat ng nakasama namin.Sana'y wag nang maulit muli...ang pagkaligaw! :)



“You have to get lost before you can be found.” 
― Jeff Rasley, Bringing Progress to Paradise: What I Got from Giving to a Mountain Village in Nepal



Ito ang akyat na walang IT. Pero hindi yun ang dahilan kaya kami naligaw. Sadyang marami lang forks kaya GUIDE IS A MUST talaga sa Mt.Marami.May mga pagkakataong malayo na kami sa guide (he has to stay sa dulo.Baligtad 'no?) Nakakapagod mag-isip which way to choose.Parang sa buhay. Chos!

Matindi ang sikat ng araw,nagkaubusan ng tubig...at wala akong dalang jelly ace.Hehe. Umulan...masyadong maputik, madulas.Sa wakas, narating  na ang silyang-bato.Masaya na akong narating ang "most photographed" part ng Mt.Marami kung saan ako naupo, tumayo, at tinayuan ng buhok. Masaya akong nakapagpa-pichur pero mas masaya nung nakabalik na kami sa kubo.


So bakit ko naman naisipang sumabit? Natatakot o NAGMAMATAPANG? Naging interesado kasi ako sa kuwento ni "ATEEEEEEEEEEEE!". Hinangad kong makita sya pero hindi kami pinalad. Nagtanong-tanong kami sa community kung may alam sila tungkol sa sinasabing "baliw" na babae sa summit pero wala silang alam. Pero may nakapagbulong sa akin na sinadyang ilagay ang babaeng ito sa taas para matakot ang mga tao at walang makaalam at makialam sa nangyayaring illegal logging .At totoo nga. Rinig na rinig ang malakas na pag-zigazoooooom ng malalaking lagari sa taas.

Photo by sir Rome Romer

Habang pababa na ng trail, nahati ang grupo sa dalawa---grupo nila sir Jesh at sir Gen (kung saan ako kabilang). At kami yung naligaw. Binagtas namin ang isang malawak na taniman na parang walang katapusan hanggang makakita kami ng isang lokal.  Sumabay na lang kami sa kanya pababa. Medyo DUMIdilim na at naduDUMI na ako kaya medyo bumagal sa trail kasama ang pinsan ko. So "doble- ligaw" ang nangyari. Nahiwalay na ang isang grupo tapos nahiwalay pa kami.Akala ko maging candidate na kami sa Search and Rescue.Hehe. Buti na lang nahintay kami nila sir Gen at mam Cecil. Naglakad kami nang konti at sa wakas, nakakita ng kalsada. Tila baga nagkaroon ng "light at the end of the tunnel". Haaaaaaaaaay,salamat. "Thank you, LORD!" ang paulit-ulit kong binibigkas.Tumuloy kami sa isang tindahan kung saan naghihintay ang ibang kasamahan. Bumili ako ng C2. Oh anong saraaaaaaaaaaaaap nang lumapat ang malamig na C2 sa lalamunan ko! Nakihingi na rin ako ng tubig sa sobrang uhaw. May mga batang nakatambay sa tindahan na siya naming binigyan ng school supplies. Original plan ay ipamahagi ito sa Brgy. Ramirez pero ang ending, sa Brgy, Singko, Magallanes na kami nakababa. Buti na lang may mga bata pa kaming nakita. Atleast, naisakatuparan pa rin ang motto ng M.A.F.I.A. "It's fun to climb with friends but it's more fun to climb with a purpose.

"I shall pass through this world but once. Any good, therefore, that I can do or any kindness that I can show to any fellow creature, let me do it now. Let me not defer or neglect it for I shall not pass this way again."
Stephen Grellet(1773-1855, Missionary)

Naniniwala ako na kapag matulungin ka, tutulungan ka rin. So to make the long story short, nakasakay kami ng traysikel at naihatid sa Barangay Hall kung saan "hayahay" na ang buhay. Nakiligo kami, nakiupo,nakikape,at nakinood na rin ng Vice Ganda (na-realized ko na matagal na pala akong di nakakanood ng tv).
Maraming salamat kay Kapitan Felipe Punongbayan ng Barangay Singko, Magallanes, Cavite. Mabuhay!At bilang ganti, nag-mopped tuloy ng floor si sir Gen.WAHAHA!







0 comments:

:a: :b: :c: :d: :e: :f: :g: :h: :i: :j: :k: :l: :m: :n:

Post a Comment